DOE, muling bubuksan ang Bataan Nuclear Power Plant


Kinokonsidera ng Department of Energy ang pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant na nasa Hilagang Kanluran ng kaMaynilaan. Sinasabing sakaling buhayin ang operasyon ng planta, tiyak na makapagbibigay ito ng pangmatagalang supply ng malinis at murang kuryente gayundin ang mapuna ang pangangailangan ng enerhiya sa bansa.


Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi bubuuin muli ang government task force na mag-aaral sa enerhiyang nuclear at kung papaano ito magiging alternatibo sa mga inaangkat nating langis at coal.

Secretary Alfonso Cusi: “We want all the projects to be frastruct because we need it because the country needs it not just the nuclear but the power testability of the power supply of the country.”

Apat na dekada na ang nakaraan nang itayo ang power plant. Nagkakahalaga ito ng halos dalawang bilyong dolyar. Sa atas dati ng Pangulong Ferdinand Marcos 1976 nang simulan ng konstruksiyon nito at 1984 nang ito ay matapos pero hindi ito nagamit dahil sa pagtutol ng environmental groups at pagdedeklara na hindi ito ligtas gamitin.

Ilan sa isyung kinakaharap ng nuclear power plant ang kaligtasan nito laban sa anumang kalimidad at epekto nito sa kalikasan. Taliwas naman ang pahayag dito ng dating mambabatas na si Mark Cojuangco at ilang sektor. Nilinaw din nila na wala daw fault line sa kinatatayuan nito. Handa nga din daw tumulong ang ilang International Atomic Energy Agency at Technical Experts para sa mga susunod na hakbang.

Mark Cojuangco: “Today’s Nuclear Waste is Tomorrow’s Nuclear Fuel. A Great Wealth to the Nation.”

Sa sector’s briefing and consultations sa Philippine National Oil Companies sa Taguig City pinlano din ng kagawaran ang personal na pagbisita sa power plant para alamin ang estado nito. Sinasabi kasi na aabot sa 1 bilyong dollar investment ang kakailanganin para sa huling pagpapatakbo nito.

Show More
Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply