Umabot na sa 22 ang mga napatay na Abu Sayyaf sa pakikipaglaban ng mga sundalo


Higit dalawampung miyembro na ng Abu Sayyaf ang napapatay sa patuloy na opensiba ng militar sa Patikul, Sulu. Ayon sa Western Mindanao Command ng Philippine Army, napatay ang mga bandido sa pakikipagbakbakan ng mga sundalo sa Brgy. Bungkaong noong Sabado ng gabi.


Source: News5Everywhere

Kabilang sa mga umanoy nasawi ang tatlong Abu Sayaff Sub-Leader. Isa rito si Mohammad Said alyas Amma Maas na kasama umano sa mga dumokot sa Norwegian na si Kjartan Sekkingstad sa Samal noong nakaraang taon. Hawak pa rin ng mga bandido ang banyaga kahit nagbayad na ng limampung milyong ransom sa mga ito. Itinanggi naman ng Abu Sayyaf na nasawi si Maas.

May bagong mensahi din naman si Pangulong Duterte sa mga bandido.

Duterte: “Kayong mga Abu Sayyaf noon medyo sumasaludo ako but when you began to slaugther people in front the camera and then now you kill an innocent boy. *Anak*. Nawawala ang respeto ko sa inyo. So my orders to the Armed Forces and to the Pulis, destroy them because they are criminals.”

Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply