Tulak ng Droga, Patay matapos manlaban sa mga Pulis sa Roxas City, Capiz


Sa Roxas City, Capiz patay ang hinihinalang tulak ng droga matapos umanong manlaban sa pulisya sa buy-bust operation. Kinilala ang napatay na si Mark Anthony Sorongon. Nakuha mula sa kanya ang isang baril at aabot sa tatlong pakete ng hinihinalang shabu. Si Sorongon palang umano ang napapatay na tulak umano ng droga sa siyudad simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte. Dati na raw siyang pinasuko ng mga pulis sa “Oplan Tokhang” pero hindi siya sumuko. Tumanggi namang magbigay nang pahayag ang pamilya niya kaugnay ng insidente.


Arestado sa buy-bust ang tatlong tulak umano ng droga sa Tagbilaran City, Bohol. Ang mga naaresto ay ang mga magkakabarkada na sina Ricardo degamo Barikuwatro, Jomar Torejos Milagrosa at si Mark Junel Diolago. Ayon sa mga pulis manlalaban pa raw sana ang isa sa mga suspek pero nakorner na ng mga pulis bago pa man bumunot ng baril. Nakuha mula sa kanila ang labing-apat na pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 188,000 pesos at isang baril. Naharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at illegal possesion of firearms.

Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply