Mag-asawang Top Drog Lord ng Iloilo City, patay sa pananambang


Malay, Aklan – Binaril at namatay sa loob ng Jetty Port sa Caticlan ang pinaniniwalaang mag asawang drug lords sa Western Visayas na sina Melvin Odicta alyas Dragon at Meriam Odicta alyas Lady Dragon na mga taga syudad ng Iloilo.


Source: Filipino Worldwide

Bandang ala 1:25 ng madaling araw kanina ng pinagbabaril ng hindi nakilalang gunman ang mag asawa habang naglalakad ang mga ito palabas ng jetty port terminal matapos bumaba sa barko ng 2GO na nanggaling sa Batangas port.

Naunang binaril ng gunman si Meriam na tinamaan sa likod bago sinunod si Melvin na naglalakad naman sa unahan ng asawa.

Sa inisyal examination, apat na tama ng bala ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Dragon.

Napag alaman ng 6 na araw nang nasa Manila ang mag-asawa at kahapon ng alas 5 ng madaling araw ay dumating sila sa Batangas port para mag roro pauwi sa Iloilo.

Ngunit hindi naisakay sa barko sa Batangas ang kanilang sasakyan pero ang mag asawa ay nakasakay at kasama ang tatlo pang sibilyan.

Dumating ang barko na sinasakyan nila sa Caticlan port 1:15 kanina at naglakad palabas ang mga biktima dahil may sasakyang susundo sa kanila sa labas.

Ngunit sa loob pa lang ng port area ay binaril na ang mga ito sa gitna ng marami naglalakad ring mga pasahero.

Sinubukan pang madala sa Malay hospital ang mga biktima pero idineklara silang Dead On Arrival ng attending physician.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon at pangangalap ng impormasyon ng kapulisan para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na nakasakay din sa barko ang gunman na dali-dali namang tumakas palabas ng jetty port matapos ang pamamaril.

Ang mag asawang Odicta ay kasama sa mga pinangalanan ni Presidente Rodrigo Duterte na mga drug lord sa Western Visayas at nagpi finance sa mga politiko sa Iloilo sa panahon ng eleksyon.

Kinondena naman ng kapulisan ang nasabing insedente at iniutos ang malalimang imbestigasyon at pagtugis sa salarin.

Pinaniniwalaan na may kinalaman sa droga at sa pagsuko ng mga ito kay DILG Secretary Mike Sueno ang pinag ugatan ng planong pagpatay sa mag asawa.

Agad namang ibiniyahe ng pamilya ang mga bangkay ng mag asawang Odicta at dinala sa kanilang lugar sa Iloilo City.

SUMMARY REPORT “DETALYADO” ctto Radyo Todo Aklan.

Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply