Libu-libong tagasuporta ni Pres. Duterte, nagtipon sa QC Memorial Circle

Nagtipon tipon sa Quezon City Memorial Circle ang mga supporters ni Pangulong Duterte. Ito raw ay ipakita ang kanilang pagkakaisa ang suporta para sa laban ng Pangulo para sa mas magandang Pilipinas.

Aabot sa dalawampung libong mga tagasuporta ng Pangulo ang nagtipon sa Quezon City Memorial Circle ayon yan sa mga organizers. Pinangunahan nito ng Mayor Roa Rodrigo Duterte National Executive Coordinating Committe o MRRDNECC. Napapanahon daw ang kanilang pagtitipon lalo na’t marami daw ibinabatong mga isyu ngayon sa pangulo tulad umano ng extra judicial killings.


USEC DSWD Virginia Orogo: “Lahat dito ngayon ay sumusuporta sa lahat ng programa ng gobyerno sa kasalukuyan. Wala tayong pagdadoubt o pagtutumanggi na ang lahat na ginagawa ng President ay para sa lahat ng mamamayan.”

Pagpapakita din daw ito ng kanilang pasasalamat sa mga nagawa ng pangulo. Malaki na raw kasi ang pagbabago sa kanilang lugar mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte.