Drug Pusher sa Pandacan Maynila, patay matapos manlaban


Patay ang isang hinihinalang drug pusher na nanlaban umano sa gitna ng buy-bust operation sa Pandacan, Maynila kagabi.


Video: ABS-CBN News Reporter: Kevin Manalo

Maghahating-gabi nang makipagkita ang mga pulis na nagpanggap na buyer kay Joel Cañeda alyas Douglas na ipinagmamalaki umanong drug pusher sa Brgy. 843.

Kasama ni Douglas noon ang kanyang kanang kamay na si Alyas Paolo nang magkaabutan ng pera agad umanong nahalata ni Paolo na pulis ang kanilang kausap at nagpaputok ng dalawang beses.

Nagawa pang magkubli ng mga pulis bago gumanti ng putok kung saan napatay si Paolo. Nakatakas naman si Douglas matapos umakyat ng Bubong. Narecover mula sa napatay ang isang caliber 38 at apat na sachet ng hinihinalang shabu.

Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply