Di bababa sa 50 artista, pasok daw sa drug list ni Pres. Duterte

Hindi bababa sa limampung artista ang pasok sa drug list  ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon yan kay Volunteer’s Crime and Corruption President Martin Diño na itinalaga bilang bagong chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA.

Sabi ni Diño karamihan daw sa mga artistang nasa drug list ay mga user ng party drugs. Nasa sampu naman ang itinuturing daw na pusher. Tumanggi si DDiño na pangalanan sila.


Babala ni Diño posible raw na ilabas na ng Pangulo ang listahang ito kaya mainam daw na sumuko na at magbago.

Martin Diño: “Yung iba nakikita na natin tapos merong mga bago lalong lalo na mga bata. Ang ganda ganda ng buhay mo, tapos sisirain ka lang ng droga.”