Bagong ebidensiya na hawak ng DOJ para kay Sen. De Lima, gawa-gawa lang daw


Makatutulong sa Philippine National Police at ilan pang law enforcement agencies ang panukalang pag-aamyenda ng Anti-Wiretapping Law. Ayon kay Senator Panfilo Lacson na chair ng Senate Commitee and Public Order and Dangerous Drugs dapat nang isama sa exemptions sa batas ang ilang kaso katulad ng droga.


Sa ngayon mga kaso lamang na may kaugnayan sa national security katulad ng sedetion, rebellion at insigthing to sedetion ang maaaring gamitan ng wiretapping. Sa kabila ng kaliwa’t kanang raid ng Oplan Galugad sa National Bilibid Prisons nakakapuslit parin ang communications gadgets ang mga drug lords kaya’t nagpapatuloy ang kanilang operasyon sa droga.

Sumasang-ayon naman si De Lima na maamyenda ang batas. “I agree that we should consider the rules or the law of the anti-wiretapping law in so far as convicts are concerned because they have no business. We’re having communication gadgets while inside the Bilibid.”

Bagaman sang-ayon siya sa pag-aamyenda ng batas ayon kay Senador De Lima  hindi dapat magamit ang wiretapping sa pang-aabuso at paglabag sa right of privacy ng mga indibiduwal.

Itinanggi din ni Senator Leila De Lima ang lumalabas sa pahayagan na may dalawa siyang empleyado na may bank accounts na milyones mula sa droga. Ito umano ang ginagamit ng senadora bilang conduit para tumanggap ng pera mula sa drug lords kapalit ng pagprotekta sa kanila.

De Lima: “That’s an entire fabrication, first they alledged the existence of the accounts, that is a fabrication. I don’t think those two would have those two accounts. Instant millionaire na sila.”

Kinumpirma naman ni Department Justice Secretary Vitaliano Aguirre na may hawak silang bagong ebidensiya ngunit pinag-aaralan pa nila ito.  Nananawagan naman ang senadora na maging patas ang DOJ at NBI sa paghawak ng mga ito.

Show More
Viral Alert
I love searching for the most viral, funny and interesting videos and events to bring awareness to people and entertain them. Visit this page daily to get the most up-to-date viral videos on the net. Follow me and I'll follow you.
http://viral-alert.com

Leave a Reply